Connect with us

VP Sara, binanatan sina Adiong at Ortega na produkto sila ng warlordism

VP Sara, binanatan sina Adiong at Ortega na produkto sila ng warlordism

National News

VP Sara, binanatan sina Adiong at Ortega na produkto sila ng warlordism

Walang karapatang magsalita tungkol sa dignidad at disente iyan ang matinding banat ni VP Sara Duterte kina Rep. Zia Alonto Adiong at Deputy Majority Leader Paolo Ortega, na tinawag niya ring produkto ng warlordism.

Hindi pinalampas ni Vice President Sara Duterte ang panawagan ni Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong na itigil na niya ang umano’y “shame campaign” at ibalik ang disente, marangal, at makataong diskurso sa pulitika.

Ayon kay VP Sara, walang karapatan si Adiong na magsalita tungkol sa dignidad, pagiging disente, at pagkakaroon ng magandang asal dahil, ayon sa kanya, ang mambabatas ay produkto ng “warlordism” sa Mindanao, Si Adiong kasi, produkto siya ng warlordism dito sa Mindanao. Kaya hindi siya ang tamang tao para magsalita tungkol sa disente, marangal, at makataong pamumuno. Ang pagkapanalo niya sa Lanao ay bunga ng mahigpit na kapit ng kanilang dinastiya.”

Si Adiong kasi, produkto siya ng warlordism dito sa Mindanao.

Kaya hindi siya ang tamang tao para magsalita tungkol sa disente, marangal, at makataong pamumuno.

Ang pagkapanalo niya sa Lanao ay bunga ng mahigpit na kapit ng kanilang dinastiya.

Ang tinutukoy ni VP Sara na “warlordism” ay isang sistemang pamumuno kung saan hawak ng ilang makapangyarihang angkan ang kontrol sa pulitika gamit ang impluwensya, armas, at dominasyon sa seguridad sa lokal na pamahalaan.

Hindi rin nakaligtas sa patutsada ni VP Sara si House Deputy Majority Leader Paolo Ortega matapos nitong kuwestiyunin ang umano’y pananahimik ng Bise Presidente sa gitna ng mga ilegal na aktibidad ng China sa Sandy Cay, na bahagi ng West Philippine Sea (WPS), “Itong si Ortega, pareho rin ni Adiong. Produkto rin siya ng warlordism dito sa ating bansa. Kaya mas makabubuting manahimik na lang siya dahil wala siyang karapatang magsalita.”

Sinagot din ng Bise ang sinabi ni Ortega na tila mas aktibo daw siya sa pagbatikos sa mga kaalyado ng administrasyon kaysa sa pagtindig laban sa mga kilos ng China sa loob ng teritoryo ng Pilipinas.

Iginiit ng pangalawang pangulo na malinaw naman ang kanyang paninindigan, “Hindi ba’t malinaw na nandito ako sa Pilipinas upang mangampanya para sa mga kandidato ng ating bansa?”

Binigyang-diin pa ni VP Sara na hindi dapat ibaling ang isyu sa China dahil mas mahalagang pag-usapan ang mga napapako umanong pangako ng ilang kandidato partikular na ang P20 kada kilong bigas, “Siyempre, bakit ko naman aatakihin ang China sa kampanya ko dito sa Pilipinas? Ang tunay na problema natin ay ang hindi pagtupad sa mga pangako. Tulad ng sinabing magiging 20 pesos ang kilo ng bigas.”

More in National News

Latest News

To Top