National News
VP Sara, ‘di papatulan ang panawagang ‘resign’ ng ‘young guns’
Hindi magre-resign bilang pangalawang pangulo si Vice President Sara Duterte.
Sa kabila ito ng mga panawagan laban sa kanya dahil sa umano’y sunod-sunod na hindi pagdalo nito sa budget deliberations na ginagawa ng Kamara para sa 2025 proposed budget ng Office of the Vice President (OVP).
Ani VP Sara, hindi sya sasagot sa panawagan na ito ng ‘young guns’ ng Kamara dahil mas importante pa para sa kanya ang magbigay serbisyo sa 32M Pilipino na bumoto sa kanya.
Samantala, sa magiging budget deliberation naman ng Senado para sa OVP ay nangako si VP Sara na dumalo.