Kingdom News
VP Sara Duterte, muling ipinagtanggol ni Pastor ACQ mula sa mga naninira sa kaniya
Muling ipinagtanggol ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng the Kingdom of Jesus Christ si Vice Pres. at Education Secretary Sara Duterte mula sa mga makakaliwang kongresista na pilit sinisira ang kaniyang imahe sa taumbayan.
Kasunod ito ng hindi pagtigil ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas sa isyu ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) kung saan patuloy nitong hinihimok ang Commission on Audit (COA) na ilabas ang audit ng nasabing pondo.
“How many times did the vice president explain. The people know that already, they know that Sarah is not corrupt. Binigay sa kanya y’un in 11 days dapat gastusin nya kundi pupunta sa next year at ma-question sya,” ayon kay Pastor Apollo C. Quiboloy.
Hinamon naman ng butihing pastor ang mga makakaliwang kongresista na isiwalat sa taumbayan kung saan nito ginamit ang kanilang pondo gaya nang ginawang hamon ng dating Pang. Duterte sa iba pang kongresista.
“Kayong 3 Ipakita ninyo saan ginamit ang pera niyo from congress. pera namin yan. Ipakita ninyo.”
“Ngayon ang hiling ni Duterte kayo naman ang i-audit kayong 3, Raul Manuel, Brosas at France Castro. Saan ninyo nilagay ang perang tinatanggap nyo sa bayan because congressman kayo. Anong project ang inyong ginawa? at ano ang ginamitan nyo sa perang tinanggap ninyo pakinggan nyo ang pangulong Duterte kagabi. Saan nyo ginamit yan?” dagdag pa ng butihing pastor.
Nakasisiguro naman si Pastor Apollo na patuloy na magtitiwala ang taumbayan kay VP Sara at maalala ito sa pagiging matapat at mapagkakatiwalaan sa pera tulad ng kanyang ama.
“They will remember you but they will remember Sara who is standing for her principle of incorruptibility with regards to money including her father when you are trying to demonize her because of the confidentiality fund that you was asking,” ani Pastor Apollo.
Matatandaan na binitiwan na ni Vice President Sara Duterte ang hiling na confidential funds dahil nagdudulot ito aniya ng pagkakawatak-watak na taliwas sa kanyang sinumpaang pangako na itaguyod ang mapayapang bansa.
