National News
VP Sara Duterte, nakatakdang iulat ang kalagayan ng basic education sa bansa
Nakatakdang ilahad ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang kasalukuyang sitwasyon ng basic education sa bansa.
Ito’y matapos ilatag ang lahat ng kanyang mga plano para sa basic education sector noong nakaraang taon, ilalahad ng Kalihim ang kanyang ikalawang Basic Education Report sa Enero 25, 2024.
Mag-uulat ang Pangalawang Pangulo ng mga update sa mga programa at proyektong isinusulong ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ng MATATAG agenda.
Matatandaan na noong nakaraang taon, inilunsad ng Kalihim ang MATATAG agenda na naglalayong tugunan ang hamon sa isyu ng basic education.
Inaasahang dadalo sa taunang ulat ngayong taon ang mga matataas ng opisyal ng pamahalaan tulad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, mga diplomat, education partners at DepEd officials.
