Connect with us

VP Sara Duterte, top choice sa pagkapangulo sa 2028 – survey

VP Sara Duterte, top choice sa pagkapangulo sa 2028 – survey

National News

VP Sara Duterte, top choice sa pagkapangulo sa 2028 – survey

Top choice bilang presidente sa 2028 si Vice President Inday Sara Duterte.

Batay ito sa survey na isinagawa ng Oculum Research and Analytics para sa unang quarter ng kasalukuyang taon.

Ayon kay Dr. Racidon Bernate, Oculum Research Head and Asia-Pacific Consortium of Researchers and Educators Inc. Managing Editor, sa kanilang opinion poll, nakuha ni VP Sara ang suporta ng 42% mula sa 3-K respondents na may edad 18 taong gulang pataas mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sumunod naman kay VP Sara si Senator Raffy Tulfo na nakakuha lang ng 17%.

Pangatlo naman si dating Vice President Leni Robredo na nakakuha naman ng 10%.

Sinundan naman ito nina dating Manila Mayor Isko Moreno, Senator Imee Marcos, dating Sen. Manny Pacquiao, at Sen. Robin Padilla.

Panghuli naman na nakakuha ng 0.4% si Speaker Martin Romualdez.

 

More in National News

Latest News

To Top