Connect with us

VP Sara, gusto nang putulin ang ugnayang political sa Marcos admin

Pagbanat kay VP Sara, 'di makabubuti sa Marcos admin- analyst

National News

VP Sara, gusto nang putulin ang ugnayang political sa Marcos admin

Kamakailan nga’y inanusyo ni Vice President Sara Duterte na hindi siya dadalo sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Ayon kay VP Sara Duterte, “No. No, I will not attend the SONA and I appointed myself as the ‘designated survivor.”

Para sa dating National Intelligence Officer ng CPP-NPA-NDF nais nang putulin Vice President Sara Duterte ang kaniyang ugnayang politikal sa administrasyong Marcos.

Ayon kay Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz malubha na kasi ang nakikita ng Pangalawang Pangulo na mga pagkakamakali sa kasalukuyang administrasyon.

Saad ni Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz, “It is a very clear message to the country and to the Filipino people, that the Vice President is now cutting off any formal ties with the administration of Marcos Jr, at least politically. Ibig sabihin po nadi-disassociate na siya. Umiiwas na siya na maging kabahagi pa ng isang very dubious and now clearly morally bankrupt incompetent na gobyerno.”

Dahil dito ani Celiz dapat na mauntog si Marcos Jr. “Dapat siyang mauntog at maalimpungatan si Marcos Jr.  sapagkat he can never be president, he is not the president right now kung hindi umatras si Sara Duterte bilang presidente, frontrunner in all surverys. He owes that to the Duterte and to the Filipino people.”

Ayon naman sa dating opisyal ng administrasyong Duterte  dumidistansiya na si Vice President Sara kay Marcos Jr. dahil ayaw nitong magkaroon ng anumang kinalaman sa palpak na pamamalakad ng pangulo.

Ayon kay Dr. Lorraine Badoy, “Very clear stand na she is distancing herself completely. Not naman yet 100 million% but she is distancing herself from the Marcos administration. Very clear. The vice president is not attending the SONA because she doesn’t want anything to do with the Marcos administration and his kapalpakan.”

Dagdag pa ni  Dr. Lorraine Badoy hindi kailanman magigising sa katotohanan si Marcos Jr. at wala rin siyang kakayahang pamunuan ang Pilipinas dahil wala siya sa maayos na kalagayan, “I don’t think he has the capacity to wake up because I really think that he is burdened with a substance abuse disorder. I don’t think he has the capacity to be aware as most substance-abused disorder patients are alike that naman. Walang awareness iyan. Therefore he has no capacity to lead this country.”

Wala pang malinaw na dahilan si Vice President Sara kung bakit hindi siya dadalo sa SONA ni Marcos Jr.

More in National News

Latest News

To Top