Connect with us

VP Sara, may kondisyon para magkaayos sila ng Marcos Jr. admin

VP Sara, may kondisyon para magkaayos sila ng Marcos Jr. admin

National News

VP Sara, may kondisyon para magkaayos sila ng Marcos Jr. admin

Hindi aatrasan ni Vice President Sara Duterte ang hamon ng ilang mambabatas na sumailalim siya sa neuro-psychiatric test na aniya ay hindi na bago sa kaniya.

Sabi ni VP Sara, noon pa ma’y sumailalim na siya sa kaparehong pagsusuri.

Ang hamon ay kasunod ng mga matatapang na banat ng pangalawang pangulo laban sa mga Marcos at sa kasalukuyang administrasyon.

Kaugnay nga nito ay nananawagan si VP Sara sa ilang medical groups na ilatag ang guidelines para sa isasagawang neuro-psychiatric exam at hair-follicle drug test.

Dapat aniya ay naka-televise din ito at hindi dapat isikreto.

Kinontra naman ni VP Sara ang mga samu’t saring akusasyon ng ilang mambabatas laban sa kaniya gaya na lamang ng pagkakaroon ng problema sa pag-iisip at pagiging desperada. “I’m not any of those. Ang problema kasi ngayon sa mga politiko, they have never seen a politician who has nothing to lose. Bakit naman ako desparada? I am the Vice President of the Republic of the Philippines. I am not going anywhere. So, ano ang ikaka-desperada ko?

They have never seen anything like Sara Duterte. Hindi ako maareglo, hindi ako mabayaran ng budget, hindi ako mabayaran ng pera.

Ang laki ng problema nila kasi ngayon, ayaw ko na tumahimik. Noon, walang nagsasalita laban sa administrasyon. Ngayon, mayroon isang taong nagsasalita.”

 

Dagdag pa ng bise, “Ang problema sa kanila, nakikipag-away sila tapos kapag lumaban ‘yung inaaway nila, nagagalit sila and sila yung nagsasabi na siya ‘yung may problema. Hindi ako ang may problema. Hindi ako known na palaaway except inuunahan ako.”

 

Samantala, muli ring iginiit ng bise na hindi niya ikinagalit ang pagkuha sa confidential funds ng kaniyang tanggapan, pagbabawas ng kaniyang security detail, o ang pagbababawas ng pondo sa Office of the Vice President (OVP).

Ang tanging ikinagalit niya ay ang pangigipit sa mga taong wala namang kinalaman sa politika. “Nagalit lang naman ako noong nangyari doon sa graduate, ‘yung namatay sa Davao City sa tear gas, sa panggugulpi pati pinukpok na mga tao, and ngayon nagagalit ako sa paghahabol-habol nila sa akin. ‘Yung mga kasamahan ko, hinahabol din nila.”

 

Sa huli, binigyang-diin ni VP Sara na magkakaayos lang sila ni Ferdinand Marcos Jr. at ng lahat ng nasa kasalukuyang administrasyon kung sila ay hihingi ng tawad sa lahat ng mga biktima ng iligal na pagkubkob sa mga religious compound ng the Kingdom of Jesus Christ (KOJC). “Mag-sorry sila doon sa pamilya ng namatay sa Davao City during sa kaguluhan doon sa loob ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC), may namatay doon.

Mag-sorry sila sa pamilya, mag-sorry sila sa lahat ng ti-near gas nila, pinukpok nila at binugbog nila sa Tamayong at sa KOJC.

Mag-sorry sila sa lahat ng hindi nakakatulog ngayon kasi ipinapatawag nila paulit-ulit diyan sa House of Representatives.

Hindi lang sorry na, ‘oh sorry ha’, hindi. Pangalanan niyo lahat. Mag-sorry kayo sa kanila. Pag-isipan ko kung patatawarin ko kayo, pag-isipan ko pa lang ‘yun ha.

More in National News

Latest News

To Top