Connect with us

VP Sara, nagsalita na kaugnay sa mga naging pahayag ni Liza Marcos laban sa kaniya

VP Sara, nagsalita na kaugnay sa mga naging pahayag ni Liza Marcos laban sa kaniya

National News

VP Sara, nagsalita na kaugnay sa mga naging pahayag ni Liza Marcos laban sa kaniya

Nagsalita na si Vice President Sara Duterte kaugnay sa mga naging pahayag kamakailan ni First Lady Liza Araneta-Marcos laban sa kaniya.

“Mga kababayan, bilang tao, karapatan ni Unang Ginang Liza Marcos na makaramdam ng sama ng loob at galit,” pahayag ni Vice President Sara Duterte.

Inamin ni Vice President Sara Duterte na hindi naman maling magpahayag ng kanyang saloobin si Unang Ginang Liza Marcos.

Pero ‘yun lang at wala naman aniyang kinalaman sa kanyang mandato bilang bise presidente ang mga pinagsasabi nito sa naging interview ng isang brodkaster.

“Subalit ang kanyang personal na damdamin ay walang kinalaman sa aking mandato bilang isang opisyal ng pamahalaan,” saad pa ng pangalawang pangulo.

Sabi ni VP Sara, sila nalang ni Pangulong Bongbong Marcos ang mag-uusap patungkol sa bagay na ito.

“Upang makausad tayo, iiwan na natin sa isang pribadong pag-uusap sa pagitan lamang namin ni Pangulong “Bongbong” Marcos Jr. ang mga susunod na hakbang,” ani VP Sara.

Ipinunto ni VP Sara na mas makabubuting ituon na lang ang pansin sa pagresolba sa iba’t ibang problema na kinakaharap ng bansa.

Inihalimbawa niya ang mataas na presyo ng mga bilihin, di maayos na suplay ng tubig at kuryente, idagdag pa ang muling paglaganap ng droga at terorismo.

“Patuloy ang pagtaas ng presyo ng pagkain at iba pang mga bilihin at ito ay mas nagpapahirap pa sa dinaranas na gutom o kawalan ng sapat na pagkain ng mahihirap nating kababayan. Nagbabadya rin ang kakulangan ng supply ng tubig at kuryente, habang talamak na naman ang ipinagbabawal na droga. Samantala, hindi pa rin natatapos ang banta ng kriminalidad, terorismo at insurhensiya sa ating bansa. Kini ang mga butang nga angay natong hatagan og pagtagad,” pahayag pa nito.

More in National News

Latest News

To Top