Connect with us

VP Sara, nais masampahan ng kaso ang nasa likod ng pagpapa-aresto kay FPRRD

VP Sara, nais masampahan ng kaso ang nasa likod ng pagpapa-aresto kay FPRRD

National News

VP Sara, nais masampahan ng kaso ang nasa likod ng pagpapa-aresto kay FPRRD

Iginiit ni Vice President Sara Duterte na dapat managot ang mga opisyal na nasa likod ng iligal na pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Tinawag ni VP Sara ang insidente na isang malinaw na kaso ng “pagdukot” o kidnapping.

Inirerekomenda ni Senator Imee Marcos ang pagsasampa ng criminal at administrative charges laban sa ilang miyembro ng gabinete ng administrasyong Marcos Jr., at ilan pang matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP), kaugnay ng umano’y iligal na pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang sa mga pinangalanan ni Senadora Imee na dapat panagutin ay sina Justice Secretary Boying Remulla, Interior Secretary Jonvic Remulla, PNP Chief General Rommel Marbil, PNP-Criminal Investigation and Detection Group Director Major General Nicolas Torre III, at Special Envoy on Transnational Crime Ambassador Markus Lacanilao.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Vice President Sara Duterte kay Senator Marcos sa pagbubunyag ng mga aniya’y seryosong pagkukulang ng kasalukuyang administrasyon sa usapin ng karapatang pantao at proseso ng batas, partikular na sa ginawa umanong pagdukot sa kanyang ama.

Tinawag ni VP Sara ang pangyayari bilang isang malinaw na kaso ng “pagdukot” isang terminong hindi na aniya dapat balewalain o pagtakpan, lalo’t may kinalaman sa isang dating Pangulo ng bansa.

Dahil dito, iginiit ng Bise Presidente na dapat lamang na managot ang mga nasa likod ng kontrobersyal at mapanganib na operasyon, “Ngayon gusto naming makita na ma-file-an ng kaso ‘yung mga tao na may kasalanan sa kung anong nangyari sa pagdukot kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ngayon, kung sasabihin ng administrasyon na hindi iyon nila ginawa at hindi iyon political ang pagkuha nila kay Pangulong Duterte, dapat nakikita natin na may mga kaso ang mga taong ito.”

Samantala, hindi na ikinagulat pa ni VP Sara ang kasong qualified human trafficking na isinampa ng DOJ laban kay dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque.

Aniya, siya man ay nakatanggap na rin ng subpoena mula sa Office of the Prosecutor, kaugnay ng isang kasong inihain ng National Bureau of Investigation laban sa kanya, “Hindi na tayo nagugulat, ‘no, na merong case na pinahil kay dating spokesperson Atty. Harry Roque, dahil isa talaga siya sa mga malakas ang boses at malakas ang loob na magsabi kung ano ang mali sa administrasyon ngayon. In fact, ako man ay naka-receive din kanina ng summons sa Office of the Prosecutor sa finile ng National Bureau of Investigation na kaso laban sa akin.”

Ayon kay Atty. Roque, malinaw na ang kasong isinampa laban sa kanya ay bahagi ng “pambababoy” ng administrasyong Marcos Jr. sa criminal justice system.

Wala aniya itong sapat na basehan at isa lamang umano itong paraan upang gipitin ang mga kaalyado ni dating Pangulong Duterte.

More in National News

Latest News

To Top