Connect with us

VP Sara, nakabalik na sa Pilipinas

VP Sara, nakabalik na sa Pilipinas

National News

VP Sara, nakabalik na sa Pilipinas

Nasa Pilipinas na si Vice President Sara Duterte.

Ayon sa Office of the Vice President (OVP), dumating si VP Sara noong Linggo, Abril 6, 2025, bandang 9:56 ng gabi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Siya ay bumiyahe sakay ng Emirates Airlines flight EK 334 mula sa The Hague, Netherlands.

Ang biyahe ng pangalawang pangulo sa Netherlands ay kaugnay ng pag-aasikaso sa defense team ng dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kinakaharap nitong kaso ng crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC).

Ayon sa OVP, inaasahang haharapin ni VP Sara ang mahahalagang usapin sa mga susunod na araw.

More in National News

Latest News

To Top