National News
VP Sara, nananatili paring highest-rated gov’t official
Nananatiling mahigit 50% ang satisfaction at trust ratings ni Vice President Sara Duterte.
Ibig sabihin ay nananatili ring si VP Sara ang highest-rated government official sa bansa.
Sa gitna ito ng bahagyang pagbaba ng ratings ng pangalawang pangulo sa loob ng magkasunod na 2 buwan.
Sa resulta ng tangere survey na isinagawa noong May 22 – 25, nasa 52% ang satisfaction rating habang 60% ang trust rating nito.
Nakakuha ng pinakamataas na suporta si VP Sara sa Mindanao.
Sa North, Central at South Luzon at Bicol Region naman nagmumula ang mataas na dissatisfaction rating para dito.
Kung matatandaan, sa hiwalay na resulta ng March 24 – 27 survey ng octa research, nasa 64% nalang ang satisfaction rating nito kumpara sa 75% ng pangalawang pangulo noong December 2023.
Ang trust rating nito ay nasa 68% nalang kumpara sa 77% noong nakaraang taon.