Connect with us

VP Sara, nanawagan ng mas matinding disiplina sa gitna ng sunod-sunod na trahedya sa kalsada

VP Sara, nanawagan ng mas matinding disiplina sa gitna ng sunod-sunod na trahedya sa kalsada

National News

VP Sara, nanawagan ng mas matinding disiplina sa gitna ng sunod-sunod na trahedya sa kalsada

Sa gitna ng sunod-sunod na trahedya sa lansangan, nanawagan si Vice President Sara Duterte ng mas matinding disiplina sa kalsada bilang tugon sa pagdiriwang ng Land Transportation Safety Month.

Hindi bababa sa labingdalawa ang kumpirmadong patay habang higit 30 ang sugatan sa karambola ng 5 sasakyan sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) kamakailan.

Sangkot sa insidente ang 3 SUV, isang container truck, at 1 passenger bus na pagmamay-ari ng Solid North Bus Transit Inc. isa itong masakit na paalala kung paanong ang isang iglap na kapabayaan sa kalsada ay maaaring mauwi sa trahedya.

Bunsod nito, binigyang-diin ni Vice President Sara Duterte ang kahalagahan ng mas malawak na pang-unawa, disiplina, at malasakit sa bawat gumagamit ng lansangan.

Sa kanyang mensahe ngayong Land Transportation Safety Month, hinimok ni VP Sara ang publiko na mas maging responsable at aktibong tagapangalaga ng kaligtasan sa lansangan.

Aniya, ang road safety ay hindi lamang obligasyon ng traffic enforcers.

Isa itong kolektibong pananagutan – mula sa mga motorista at pedestrian, hanggang sa mga kumpanya at mismong pamahalaan, “Mga kababayan, sumunod tayo sa batas-trapiko. Gamitin ang tamang tawiran. Iwasan ang paggamit ng cellphone habang nagmamaneho o naglalakad. At i-report agad ang mga panganib sa daan. Simpleng disiplina, malaking ambag sa kaligtasan.”

May paalala rin si VP Sara sa pribadong sektor upang maprotektahan hindi lamang ang kanilang mga empleyado kundi pati ang iba pang gumagamit ng kalsada, “Sa pribadong sektor, siguraduhing may sapat na training ang mga drivers. Panatilihing maayos ang mga sasakyan. At seryosohin ang mga polisiya para sa kaligtasan. Hindi lang ang inyong empleyado ang napoprotektahan—pati ang bawat taong nasa kalsada.”

Binanggit din ni VP Sara ang papel ng pamahalaan ang pagpapanatili ng maayos at ligtas na imprastraktura, gayundin ang mahigpit na pagpapatupad ng mga batas-trapiko, “Tungkulin naman ng gobyerno na panatilihing ligtas ang mga imprastraktura. Mahigpit na ipatupad ang batas trapiko. At palaganapin ang kaalaman tungkol sa road safety.”

Sa datos na ibinahagi ng Pangalawang Pangulo, lumalabas na noong 2021 pa lamang, umabot na sa mahigit 11K na Pilipino ang nasawi dahil sa aksidente sa kalsada.

Karamihan sa kanila ay mga pedestrian, motorista, siklista, at pasahero ng traysikel.

Masakit ding malaman na marami sa mga biktima ay kabataang edad 15 – 29.

More in National News

Latest News

To Top