Regional
VP Sara, Sen. Tol, pinangunahan ang pagbubukas ng ROTC Games sa Mindanao
Hinikayat ni Vice President at Education Secretary Sara Z. Duterte ang mga kadete na maging modelo sa disiplina at pagkakaisa.
Ito ang kanyang mensahe sa pagbubukas ng seremonya ng Reserved Officers Training Corps (ROTC) Games Mindanao Leg noong Linggo, Agosto 27, sa Joaquin F. Enriquez Memorial (JFEM) Sports Complex sa Zamboanga City.
Si Duterte, na isang reservist army colonel at suportado ang ROTC, ay pinasalamatan ang lahat ng mga nakilahok.
Sa kanyang social media account sinabi ng bise presidente na ipinapakita ng mga kadete na may pag-asa at maasahan sa mga kabataan.
Pinasalamatan naman ni Senator Francis “Tol” Tolentino si Vice President Duterte sa kanyang pagdalo.
“it’s truly significant since she is a genuine advocate of youth and sports development through military service,” ayon kay Sen. Francis Tolentino.
Ani tolentino, isang malaking bagay ang pagdalo ni VP sara na totoong advocate sa youth at sports development sa pamamagitan ng military service.
“I am hopeful that our shared goals will be achieved, and that ROTC will be a vital force in ensuring that our young people are shaped and formed to protect this nation, promote unity and peace, and to lead with utmost integrity and honor,” dagdag pa ng senador.
Si Tolentino, na syang brainchild ng ROTC Games, ay kabilang sa mga mambabatas na suportado ang panukalang batas na ibalik ang mandatory ROTC.
Sa kanyang mensahe sa pagdalo, Sinabi ni Tolentino na ang ROTC ay isang mabisang kasangkapan para paunlarin at itanim ang disiplina at pagkamakabayan sa mga kabataang Pilipino.
Sa Mindanao Leg ng ROTC Games ay Mahigit 1,300 kadete mula sa Philippine Army (PA), Air Force at Navy sa rehiyon ang naglalaban-laban sa 7 sports na gaganapin sa JFEM Sports Complex.
Bukod kay VP Sara at Sen. Tol, kabilang sa mga dumalo sa pagbubukas sina Zamboanga City Mayor John Dalipe at Rep. Manuel Jose Dalipe at Khymer Adan Olaso at iba pang matataas na lokal na opisyal.
Sa first Leg sa Iloilo City, nakamit ng mga cadets-athletes mula sa Army ang 25 gold, 25 silver at 34 bronze medals, habang humakot ang Air Force ng 23-23-22 (gold-silver-bronze) habang ang Navy naman ay 9-9-9.
Para sa kabubukas na Mindanao Leg May kabuuang 50 medalya ang nakataya sa athletics, 67 sa arnis, 12 sa kickboxing, 19 sa E-sports, 16 sa boxing, 9 sa basketball at 6 sa volleyball.
Ang Mindanao Leg ng ROTC Games ay matatapos sa September 2, susundan naman ito ng Luzon Leg na magbubukas sa Sept 17.
