Connect with us

Wage subsidy program para sa mga middle class families, ipinanawagan

Wage subsidy program para sa mga middle class families, ipinanawagan

COVID-19 UPDATES

Wage subsidy program para sa mga middle class families, ipinanawagan

Nanawagan si House Committee on Ways and Means Chairman at Albay Rep. Joey Salceda kay Pangulong Rodrigo Duterte na bumuo ng wage subsidy program bilang ayuda sa mga middle class families sa buong bansa.

Ayon sa ekonomistang kongresista, maaring bumuo ng payroll support for workers, entrepreneurs, and self-employed (PSWES) program na may P45-Billion na pondo na idadaan bilang wage subsidy.

Kung gagawin ito ng pamahalaan, giit ni Salceda na pakikinabangan ito ng milyun-milyong mangagawa ng mga micro, small and medium enterprises (MSMES), freelancers at mga mangagawa sa middle class rows.

Aniya, ito lamang ang nakikita niyang paraan para mabigyan ang lahat ng mga Pilipino na apektado ng ipinatutupad na enhanced community quarantine dulot ng Coronavirus Disease 2019 (COVID- 19).

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top