Connect with us

Walang islang nakuha ang China sa ilalim ng Duterte Administration – Sec. Esperon

Walang islang nakuha ang China sa ilalim ng Duterte Administration – Sec. Esperon

National News

Walang islang nakuha ang China sa ilalim ng Duterte Administration – Sec. Esperon

Walang isang islang pag-aari ng Pilipinas ang nakuha ng bansang China sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ayon sa opisyal ng seguridad.

Ayon kay National Security Council Secretary Hermogenes Esperon, walang nagalaw ang China sa mga pag-aaring teritoryo ng bansa.

Pinabulaanan mismo ni Esperon na may nawalang isla ang Pilipinas sa Administrasyong Duterte hindi katulad sa Aquino Administration.

Aniya, ni minsan magmula noong 2016 ay walang nawala na isla na kinuha ng China.

Giit ng heneral, noong panahon ng mga Aquino nangyari ang unti-unting pagkawala ng mga isla ng Pilipinas gaya ng Scarborough at Mischief, na dapat aniya ay nasa loob ng EEZ (exclusive economic zone) ng bansa.

Giit ni Esperon, tama ang ginawa ni Pangulong Duterte na maging neutral sa mga bansang may claim sa mga islang pinag-aagawan kasama na ang China.

Nauna nang ipinagmalaki ng Department of National Defense (DND) na walang naagaw o nawalang teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS) sa ilalim ng pamamahala ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Lorenzana, tahimik at maayos ang sitwasyon sa mga pinag-aagawang teritoryo kaya walang aberya sa paghahatid ng supply ng mga Pilipinong sundalo na nagbabantay sa mga isla.

“Gusto ko lang sabihin sa mga mamamayan na mula noong pumasok si Presidente ay wala namang nakuhang bagong teritoryo iyong China,” pahayag ni Lorenzana.

Sa katunayan ani Lorenzana, tuloy-tuloy lamang ang pag-uusap sa pagitan ng Pilipinas at China kaugnay sa isyu ng pinag-aagawang mga isla.

At naiwasan ang mga hindi pagkakaintindihan para maiwasan din ang tensiyon sa mga pinag-aagawang teritoryo sa WPS.

“The President was able to talk to the leaders of the Chinese government na itutuloy natin iyong ating peaceful coexistence muna habang sinusukat natin kung sino ba talaga iyong may-ari ng lugar na iyan because it’s disputed eh,” ayon kay Lorenzana.

Ayon naman kay Esperon, kung hindi naging mahinahon si Pangulong Duterte, maaaring giyera ang kahihinatnan ng bansa na hindi rin kakayanin dahil sa limitadong mga kagamitan laban sa mga malalakas na bansa gaya ng China.

Sa kabilang banda, naniniwala naman si Esperon sa papasok na administrasyon ni incoming president Bongbong Marcos na may sapat na kaalaman ang batang Marcos para pangunahan ang independent foreign policy ng bansa, international relations nito at maging sa usapin sa geopolitics.

Ani Esperon, alam niya na may plano si Bongbong kaugnay dito.

Naniniwala rin ang opisyal na hindi hadlang para sa susunod na pangulo ng bansa ang kawalan ng diploma nito bagkus namulat ito sa iba’t ibang karanasan sa politika mula sa kanyang ama, pamilya hanggang sa kasalukuyan nitong karanasan bilang isang politiko.

More in National News

Latest News

To Top