Metro News
Walang mass gatherings ngayong Semana Santa – NCRPO Chief
Ito ang paalala ni Metro Manila Police Chief Major Gen. Debold Sinas sa publiko sa gitna pa rin ng umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) para mapigilan ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Sinas, makikipag-ugnayan ang mga pulis sa mga miyembro ng simbahan upang ipatigil ang mass gatherings gaya ng simba at mga prusisyon sa kasagsagab ng Holy Week.
Pakiusap ng NCRPO Chief sa publiko na mag self-reflection at magdasal na lamang sa kani-kanilang mga bahay at huwag nang magpilit na lumabas.
Sinabi rin ni Sinas na wala ring magiging bisita iglesia at mga pabasa.
Kaninang umaga nang inanunsyo ng pamahalaan ang pagpapalawig ng ECQ sa Luzon hanggang Abril 30.