Metro News
March 10, 2020 | Walang Pasok dahil sa COVID-19
Suspendido simula ngayong araw, Marso 10 hanggang Marso 14, ang pasok sa lahat ng mga paaralan sa Metro Manila.
Ito ay kasunod na rin sa naging kautusan mismo ni Pang. Rodrigo Duterte sa gitna na rin ng banta ng coronavirus disease (COVID-19)
Ayon sa pangulo, kailangan na matiyak na ligtas ang lahat ng mga mag-aaral laban sa banta ng naturang nakamamatay na virus.
Ang anunsyo ay ginawa kagabi ni Pang. Duterte kasabay ng paglalahad sa 4 pang panibagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19).
Dahil dito umaabot na sa 24 ang kumpirmadong may COVID-19 sa Pilipinas.
Maliban sa NCR, nagdeklara rin ang pamahalaan ng Cavite Province ng suspensiyon ng klase sa buong lalawigan mula rin Marso 10 hanggang 14.