Connect with us

Walang shortage ng paracetamol at iba pang gamot para sa flu-like symptoms – DOH

Walang shortage ng paracetamol at iba pang gamot para sa flu-like symptoms - DOH

National News

Walang shortage ng paracetamol at iba pang gamot para sa flu-like symptoms – DOH

Tiniyak ng Department of Health (DOH) sa publiko na walang shortage ng paracetamol at iba pang gamot para sa flu-like symptoms sa Pilipinas.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na komunsulta na sila sa mga major drugstore chain at local manufacturers at suppliers sa status ng supply ng mga nasabing produkto.

Siniguro ng health department na wala silang nakikita na pagtaas ng demand sa mga nasabing produkto sa gitna ng mga ulat ng umano’y shortage sa supply nito.

Samantala, sinabi ng DOH na patuloy ang kanilang pagbabantay sa status ng supply ng critical medicines para sa COVID-19 kabilang ang supportiave medicines para sa asymptomatic treatment.

Tiniyak naman ng ahensya na nakikipagtulungan sila sa lahat ng relevant government agencies gaya ng Food and Drug Administration (FDA) at Department of Trade and Industry (DTI) at sa industriya para siguruhin ang kinakailangang health products sa pagtugon ng bansa sa COVID-19.

Gayunman, umapela pa rin ang DOH sa mga consumer na iwasan ang maghoard, panic-buying o unnecessary purchase ng mga naturang produkto.

 

More in National News

Latest News

To Top