Connect with us

Walang sistema sa pagpaparehistro ng COMELEC, binatikos ni Pastor Quiboloy

Binatikos ng honorary chairman ng SMNI na si Pastor Apollo C. Quiboloy ang walang sistema sa ilang registration office ng COMELEC

National News

Walang sistema sa pagpaparehistro ng COMELEC, binatikos ni Pastor Quiboloy

Binatikos ng honorary chairman ng SMNI na si Pastor Apollo C. Quiboloy ang walang sistema sa ilang registration office ng Commission on Elections (COMELEC).

Ito ay matapos makatanggap ng reklamo ang butihing pastor kung saan limitado lamang ang ina-accomodate ng mga kawani ng COMELEC sa kabila ng siksikang pila ng nais na magparehistro.

Ayon sa butihing pastor, sitting pretty lang ang ginagawa ng mga ito at nagsisimula nanaman ang pagpapakita ng bad governance.

Partikular na sinita ni Pastor Apollo ay ang panghihikayat ng COMELEC sa mga Pilipino na magparehistro ngunit bulok ang sistema nito sa oras na dumadagsa na ang nais magpalista at pinabalik-balik pa ang mga ito sa kanilang opisina.

Tinukoy din ng butihing pastor na ang ganitong pamamahala ng gobyerno ang nagiging daan kung bakit nagiging rebelde ang ilan.

Iminungkahi naman ni Pastor Apollo na tularan ang template ng pamamahala ni Pangulong Rodrigo Duterte.

More in National News

Latest News

To Top