Connect with us

War on drugs, ipagpapatuloy ni Pang. Duterte kahit isa nang private citizen

War on drugs, dapat ituloy ng susunod na administrasyon – DILG

National News

War on drugs, ipagpapatuloy ni Pang. Duterte kahit isa nang private citizen

Ipagpapatuloy pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga adbokasiya kahit pa maging ganap na itong private citizen.

Sinabi ni acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar na itutuloy pa rin ni Pangulong Duterte ang kasalukuyan niyang isinusulong na good government, anti-corruption, at anti-illegal drugs.

Kung matatandaan, nabanggit ni Pangulong Duterte na patuloy niyang tutugisin ang mga kriminal lalo na ang mga durugista gaya ng ginawa na niya dati.

Samantala, sa kanyang Talk to the People, nabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang makapagpatumba ng tatlo hanggang 5 drug lords  bago bumaba sa puwesto.

Hinimok naman ng Chief Executive ang mga tauhan ng gobyerno na labanan ang mga sangkot sa iligal na droga.

More in National News

Latest News

To Top