Connect with us

Warrant of arrest laban kay Manibela President Valbuena, inilabas na

Warrant of arrest laban kay Manibela President Valbuena, inilabas na

National News

Warrant of arrest laban kay Manibela President Valbuena, inilabas na

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na naglabas na ng warrant of arrest ang Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 158 laban sa pangulo ng transport group na The Samahang Manibela Mananakay at Nagkaisang Terminal ng Transportasyon (Manibela) na si Mar Valbuena para sa kasong 2 counts ng cyber libel.

Nauna diyan ay naghain ng reklamo sa DOJ si Transportation Secretary Jaime Bautista matapos siyang inakusahan ni Valbuena ng korapsyon.

Ang akusasyon ni Valbuena ay nagmula naman sa dating executive assistant ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na si Jeff Tumbado na umano’y nagdedeliver siya ng pera kay Chairman Teofilo Guadiz III.

Samantala, kapwa naman itinanggi nina Secretary Bautista at Chairman Guadiz ang paratang ni Tumbado.

Kaugnay nito’y inirekomenda ng Pasig RTC ang P20-K piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Valbuena.

More in National News

Latest News

To Top