National News
Water cannoning incident sa South China Sea, posibleng pinaingay para tabunan ang isyu ng PDEA leaks – analyst
Hindi inaalis ni Prof. Anna Malindog-Uy isang geopolitical analyst ang posibilidad na ang huling water cannoning incident sa South China Sea ay ginagawa na namang isang malaking isyu para matabunan ang naging imbestigasyon ng Senado ukol sa PDEA leaks.
Pero ayon kay Malindog-Uy, sa kabila ng paglabas ng isyu na ito, mas lumulutang pa rin sa social media ang usapin ng PDEA leaks kung saan sangkot ang pangalan ng kasalukuyang pangulo ng Pilipinas.
“Pwedeng maging coincidence ‘yan, pwede ring staged dalawa yan na possibility kasi parang ang timing no.”
“Yung timing kasi diyan mag-iisip ka bakit ganon kasi kung coincidence ‘yan okay fine pero kung hindi ano ba ang purpose para matabunan ang issue na PDEA leaks na sangkot ang ating pangulo na BBM. So, may ganun siguro na perception ang ibang mga tao pero ang tanong kasi hindi naman natabunan ang PDEA leaks e actually to be very frank nung tinitingnan ko ‘yung social media, may mga nag discuss ng water cannon pero ang lumulutang sa social media ay PDEA leaks talaga ‘yun talaga ang pinag-uusapan ngayon,” ayon kay Geopolitical Analyst, Prof. Anna Malindog-Uy.
Ayon kay Prof. Anna, inaantay rin ng mga Pilipino abroad ang tunay na kasagutan sa isyung ito dahil nakukulangan sila sa ginanap na hearing sa Senado kamakailan.
“I think ‘yung mga tao pati ‘yung mga nasa ibang bansa are there waiting for the next hearing nga kung ano ba talaga kase nga nakulangan din kung ano ba talaga parang there are a lot of things to be asked and there are a lot of things ‘yung parang didiinan mo ng tanong na hindi parang hindi nagawa ni Sen. Bato,” dagdag pa nito.
Bilang isa sa mga gustong makaalam ng katotohanan, umaasa aniya ang taumbayan na mas mapaghahandaan ni Sen. Bato ang susunod na Senate hearing patungkol sa PDEA leaks sa darating na Mayo 7.
“Which is siguro sa next hearing feeling ko naman mapaghahandaan ni Sen. Bato ‘yung mga right question sa mga hearing kasi maganda mapaghandaan ‘yung right questions even I am looking forward to the next hearing nakita ko na ‘yan ‘dun pa lang sa butas makikita mo na hindi siya AI generated kasi kung AI generated siya walang ganun,” aniya.
