Connect with us

Wattah Wattah Festival sa San Juan City, muling na-enjoy ng mga residente

Wattah Wattah Festival sa San Juan City, muling na-enjoy ng mga residente

Metro News

Wattah Wattah Festival sa San Juan City, muling na-enjoy ng mga residente

Matapos ang dalawang taong kanselasyon dahil sa pandemya, muli na namang naisagawa ng mga taga San Juan City ang tradisyunal na basaan sa Wattah Wattah Festival.

Sa Pinaglabanan Street, kitang-kitang ang kasiyahan sa mga residente habang isinasagawa ang matagal na nilang tradisyon.

Tatagal ng 6 na oras ang basaan sa lungsod.

Sa kabila ng maligayang selebrasyon ng Wattah Wattah Festival, may mahigpit na bilin ang San Juan City Government upang hindi maging COVID-19 super-spreader ang nasabing pagdiriwang. Kabilang na rito ang pagsusuot ng face mask habang nagbabasaan.

Sa gagawing basaan, ipinagbabawal ang paggamit ng maruming tubig, tubig na nakalagay sa anumang lagayan na maaaring makasakit, water bomb, sapilitang pagbubukas ng anumang sasakyan at pagpasok sa mga pampublikong sasakyan upang mambasa ng mga pasahero.

Huhulihin naman at pagmumultahin ang mga indibidwal na lalabag sa mga alintuntuning nabanggit.

More in Metro News

Latest News

To Top