Breaking News
WHO, idineklara nang ‘global health emergency’ ang 2019 novel coronavirus outbreak
Idineklara na bilang “global health emergency” ng World Health Organization ang sakit na 2019 novel coronavirus (n-CoV) na nagsimula sa Wuhan, China.
Ito ay kasunod nang pagtaas ng kaso nito hindi lamang sa China, kundi maging sa ibang bansa.
Paliwanag pa ng WHO, international concern nang maituturing ang sakit dahil sa global outbreak nito.
Nangangamba rin ang WHO sa posibleng pagkalat pa ng virus sa ibang bansa maliban pa sa 18 sa kasalukuyan.
Kasabay nito, tiniyak ng WHO na kanilang tutulungan ang mga bansang apektado ng naturang sakit.
Kahapon, kinumpirma ng Department of Health ang kauna-unahang kaso ng n-CoV sa bansa matapos magpositibo ang isang chinese national na mula Wuhan, China.
