Connect with us

WHO, pinuri ang gobyerno ng Pilipinas sa pagpigil sa pagpasok ng Delta variant sa bansa

WHO, pinuri ang gobyerno ng Pilipinas sa pagpigil sa pagpasok ng Delta variant sa bansa

National News

WHO, pinuri ang gobyerno ng Pilipinas sa pagpigil sa pagpasok ng Delta variant sa bansa

Pinuri ni World Health Organization Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe ang National Government dahil sa mga hakbang nito upang mapigilan ang pagpasok ng Delta variant.

Ani Dr. Rabindra, 132 na bansa na sa mundo ay mayroong Delta variant.

Sinabi pa rin Dr. Rabindra, kabilang sa mga pinatupad na restrictions ng bansa na nakatulong upang mapigilan ang pagpasok ng Delta variant ay ang strict quarantine and testing protocols para sa mga incoming travelers at ang pag-impose ng travel ban sa mga apektadong bansa.

Kaugnay nito, mas paiigtingin pa ng Department of Health (DOH), National Government Agencies at mga Local Government Unit (LGU) ang mga vaccination program at healthcare response para sa mga Pilipino.

Ayon naman sa DOH, sa pamamagitan ng vaccination program ng gobyerno, mas marami ang mapoprotektahan laban sa malubhang COVID-19 at mababawasan ang mamamatay at maoospital.

More in National News

Latest News

To Top