Connect with us

Zelensky, inihayag na nabawi na ng Ukraine ang nasa 6K sq. km. na teritoryo nito mula sa Russia

Zelensky, inihayag na nabawi na ng Ukraine ang nasa 6K sq. km. na teritoryo nito mula sa Russia

International News

Zelensky, inihayag na nabawi na ng Ukraine ang nasa 6K sq. km. na teritoryo nito mula sa Russia

Inihayag ni Ukraine President Volodymyr Zelensky na nabawi na ng Ukrainian forces ang nasa 6,000 square kilometers na teritoryo nito mula sa Russia sa isang counter-offensive ngayong buwan.

Ani Zelensky, simula nang Setyembre ay nabawi na ng kanilang mga sundalo ang nasa 6,000 square kilometers na Ukrainian territory sa silangan at timog na bahagi ng bansa at mas lalawakan pa nila ito sa mga susunod na panahon.

Naging matagumpay ang Ukraine sa lightning counter-offensive nito sa rehiyon ng Kharviv sa hilagang silangang bahagi ng bansa.

Nabawi na rin nito ang ilang teritoryo nito sa rehiyon ng Kherson.

Sinabi naman ng US-based Institute for Study of War Think Tank na nabaliktad ng Ukraine ang kanilang sitwasyon ngunit hindi matatapos ang giyera ng kasalukuyang counter-offensive ng bansa.

Continue Reading
You may also like...

More in International News

Latest News

To Top