National News
Zelenskyy at Marcos Jr., nagpulong sa Malakanyang
Nagpulong Ngayong araw, June 3 sa Malacañang si Pangulong Bongbong Marcos Jr. at Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy.
Bahagi ang pagbisita ni Zelenskyy para hikayatin ang iba’t ibang bansa na sumali sa peace conference ngayong buwan na inorganisa ng Switzerland kaugnay sa Ukraine war.
Kasama ni Zelenskyy sa pagbisita ang ilang high-ranking Ukrainian officials gaya nina Defense Minister Rustem Umerov, Chief Military Advisor Roman Mashovets at Foreign Policy Advisor Igor Zhovka.
Ito ang unang face-to-face meeting ni PBBM at Zelenskyy kasunod sa kanilang naging pag-uusap sa telepono noong February 2023.
Tinalakay nila noon ang lumalalim na relasyon ng Pilipinas at Ukraine.
Samantala, sinabi ng Ukrainian president na magbubukas siya ng embahada sa Pilipinas ngayong taon.
