Connect with us

Zero budget sa OVP, malabo– SP Escudero

Atty. Panelo, may babala sa mga kumakalaban kay VP Sara

National News

Zero budget sa OVP, malabo– SP Escudero

Sinabi ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na malabong magkaroon ng zero budget ang Office of the Vice President (OVP).

Ipinunto ni Escudero, “Suffice it to say that it is possible given that Congress has the ‘power of the purse’ but (that) has never happened to the OVP nor to any agency in recent years to my recollection.”

Sa panig ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III at Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, nararapat na magkaroon ng sapat na budget ang OVP para sa susunod na taon.

Ani Pimentel, “Give the OVP sufficient budget to carry out the VP’s constitutional role or responsibility to be ready to be the president at any given second.”

Sa paliwanag naman ni Sen. dela Rosa sa kabila ng sinabi ni Vice President Sara Duterte na handa ang opisina nito na magtrabaho kahit walang budget, “Pwede pero mahirap. Saan kukuha ng sweldo yung kanyang mga staff, mga tao sa opisina?”

Si Atty. Salvador Panelo, nagkomento rin sa isyu at sinabing naniniwala siya na kahit kakarampot lang ang magiging pondo ng pangalawang pangulo, kaya nitong maitaguyod ang kanyang tungkulin. “Kaya ni Inday na wala iyon. Kahit walang budget, magta-trabaho. Iyan ang kagandahan dito kaya mahal iyan ng taumbayan, walang agenda.”

Kaugnay nito, politika ang nakikitang dahilan ng butihing abogado kung bakit ginigipit ang budget ng OVP. “Siya ang target ng House of Rep. at ang lahat ng iyan, eh, geared towards 2028 kaya huwag na kayong umasa na hindi siya titigilan. Talagang magtutuloy-tuloy iyan.”

Matatandaang sa Senado ay lusot na sa committee level ang panukalang budget ng OVP para sa 2025 na nagkakahalaga ng P2.037B.

Ngunit sa Kamara, bagamat unang iminungkahi ng mga kongresista na huwag itong bigyan ng pondo, sinabi ng House Committee on Appropriations na gawin nalang P733.2M ang 2025 OVP budget.

Ibig sabihin, nasa halos P1.3B ang kanilang tinanggal mula sa orihinal na panukalang budget ng OVP na nakapaloob sa National Expenditure Program (NEP).

Ang nabawas na budget ay inilipat anila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Health (DOH).

 

More in National News

Latest News

To Top