Connect with us

‘Blessing’ ang pagboto kay Mayor Inday Sara – Atty. Munsayac

'Blessing' ang pagboto kay Mayor Inday Sara - Atty. Munsayac

National News

‘Blessing’ ang pagboto kay Mayor Inday Sara – Atty. Munsayac

Walang bahid ng korapsyon. Walang history ng pang-aabuso.

Ganito isalarawan ni Act As One partylist first nominee Atty. Reynold Munsayac si Mayor Sara Duterte na tatakbo bilang bise-presidente sa 2022 elections

Ayon kay Munsayac, isang blessing ang pagboto kay Mayor Inday na aniya’y napakabuting tao ng alkalde.

Ipinunto naman ni Munsayac na isang collective desisyon kung sino ang kanilang iboboto sa pagka-pangulo sa darating na halalan.

Aniya, pag-aaralan nila ng mga miyembro at iba pang pinuno ng grupo ang platorma na isinusulong ng bawat presidential aspirant.

Samantala, sakaling mabigyan ng pagkakataon na maluklok sa Kongreso, isa sa mga tututukan ng Act As One partylist ay ang pagtataguyod ng moral recovery programs at libreng legal assistance sa publiko.

Ayon kay Munsayac, dapat ring maglaan ng mas malaking pondo para dumami pa ang huwes at mga piskal sa bansa upang maging mabisa sila sa mga kasong hahawakan.

Dagdag pa nito na kinakailang ring maging mahusay at transparent ang proseso ng pagpili ng mga huwes na magdudulot ng magandang epekto sa lipunan.

Si Atty. Reynold Munsayac ay halos 5 taong nanungkulan bilang acting chairman ng Presidential Commision of Good Government.

Kasalukuyan rin siyang nagtuturo ng criminal law at nagtatrabaho bilang isang bar review lecturer sa ilang law schools tulad ng san Sebastian College of Law at Arellano University School of Law.

More in National News

Latest News

To Top