Connect with us

Mga problema sa PUV consolidation, ‘di pa rin nasolusyunan

Mga problema sa PUV consolidation, 'di pa rin nasolusyunan

National News

Mga problema sa PUV consolidation, ‘di pa rin nasolusyunan

Nababahala na ang ilang senador sa nalalapit na deadline ng public utility vehicle (PUV) consolidation.

Pagdating kasi ng Abril 30, tapos na ang 3 buwang palugit o extension para dito.

Ibig sabihin kailangang makabuo ng kooperatiba o korporasyon ang PUV drivers at operators para sila ay patuloy na makapag-operate.

Pero kahit nga malapit na ang deadline ay may mga isyu pa rin patungkol sa PUV consolidation na hindi natutugunan ayon sa mga mambabatas.

“But we want to know how productive the three-month extension has been.  Have there been fruitful dialogues between the LTFRB and transport groups? Were there substantial efforts to reach out to the drivers and operators to help them get into the program?” ayon kay Sen. Grace Poe.

Para kay Sen. Grace Poe, mahalaga na sang-ayon sa programa ang mga driver at operator dahil sila ang pangunahing maapektuhan nito.

Umaasa rin si Poe na sana ay mailabas na ang listahan ng mga ruta ng mga PUV.

“We can’t just leave our commuters scampering for rides, especially under this extreme heat,” dagdag pa nito.

Para kay Senadora Imee Marcos, malaking debate pa rin sa mga operator kung saan kukunin ang budget na pambili ng modern jeep.

“Nasa 160-180 thousand ang ibibigay subalit ay eto nga ang problema ay nasa 2.5 million na ang euro level 4 na standard na iniimpose so talagang napakahirap niya,” ayon naman kay Sen. Imee Marcos.

Ikinalulungkot rin ni Senador Imee na walang ginawang trade-in ang gobyerno para sa mga lumang sasakyan.

Sa kabila naman ng anunsyo ng gobyerno na marami sa mga driver at operator ay miyembro na ng coop ay hindi rin kumbinsido dito ang senadora.

Ayon kay Imee, hindi lahat ng driver at operator ay nakakaintindi kung papaano gagana ang kanilang kabuhayan kung samasama sila sa isang grupo.

“Pero alam naman natin na ‘yung mga driver at operator ng habal-habal, jeepney lahat ay ayaw mag coop. Ang pagkakaintindi nila na ‘yung dating negosyo nila kumbaga dati ay owner o entrepreneur sila ay sila ay magiging empleyado na lamang dun sa coop. Wala pang pananagutan ang coop kung hindi sila nakapag bayad ng utang,” dagdag pa ni Sen. Imee.

Ang PUV consolidation ay bahagi ng PUV Modernization Program na dumaan na sa administrasyong Aquino, Duterte, at ngayon naman ay Marcos.

Ang PUV driver o operator na hindi makakasunod sa consolidation ay automatic na marerevoke o mawawalan ng prangkisa at hindi na sila maaaring mag-operate pa.

Ang deadline para sa consolidation ay unang itinakda sa Dec. 31, 2023, pero ipinagpaliban muna ito ni PBBM alinsunod sa rekomendasyon ng Department of Transportation (DOTr) na palawigin pa ito hanggang 30 ngayong buwan ng April 2024.

More in National News

Latest News

To Top