Connect with us

Daan-daang mga pasahero sa NAIA Terminal-2, nakaranas ng delay dahil sa internet outage

Daan-daang mga pasahero sa NAIA Terminal-2, nakaranas ng delay dahil sa internet outage

National News

Daan-daang mga pasahero sa NAIA Terminal-2, nakaranas ng delay dahil sa internet outage

Pasado alas 2, Martes ng madaling araw, April 16, nagsimula na ang internet outage sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal-2. Dahil dito napilitan na lamang gumamit ng mano-manong check-in ang AirAsia Philippines sa mga papaalis na mga pasahero para sa domestic flights.

Dahil sa mabagal ang manual check-in procedures ay humaba ang pila ng mga pasahero at ang resulta na-delay ang mga ito sa kanilang flights.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), ang kawalan ng koneksyon ay nagmula sa IT at telecommunication provider ng AirAsia Philippines na ang sistema ay hindi makakonekta sa server.

Dahil dito naapektuhan ang South Wing Check-In Counter 22 – 41 na ginagamit ng AirAsia Philippines sa NAIA Terminal-2.

Bilang tugon sa insidente, agad na umasiste ang MIAA para maibsan ang pagsisikip at matiyak ang ginhawa ng mga pasahero.

4 na flights ng naturang airlines ang nakaranas ng delay sa kabila nito wala namang nakanselang flights dahil sa internet failure.

Alas 12 ng Martes ng tanghali bumalik ang sistema ng AirAisa sa NAIA Terminal-2

Ang insidente ay una na rin nangyari sa Philippine Airlines (PAL) noong Lunes kung saan na-delay din ang ilan sa kanilang domestic flights.

Marso 14, 2024, ang dating presidential spokesperson na si Atty. Harry Roque ay nag-post din sa kanyang Facebook page kaugnay ng naranasan niyang pagbagsak ng computer system sa NAIA na nagbunga na pagkadelay ng kanyang flight.

More in National News

Latest News

To Top