Connect with us

Tensyon sa WPS, hindi mangyayari kung wala ang US sa Pilipinas – Chinese Embassy

Tensyon sa WPS, hindi mangyayari kung wala ang US sa Pilipinas – Chinese Embassy

National News

Tensyon sa WPS, hindi mangyayari kung wala ang US sa Pilipinas – Chinese Embassy

Muling nagbigay ng garantiya si US President Joe Biden na gagamitin ng Amerika ang Mutual Defense Treaty (MDT) at handa silang ipagtanggol ang Pilipinas sakaling makaranas ito ng anumang pag-atake partikular sa South China Sea.

“As I’ve said before, any attack on Philippine aircraft, vessels, or Armed Forces in the South China Sea would invoke our Mutual Defense Treaty,” ayon kay US President Joe Biden.

Ang pahayag ng US leader ay kasabay ng trilateral summit kasama sina Pangulong Bongbong Marcos at Japan Prime Minister Kishida Fumio Sa Washington D.C.

Ang Estados Unidos at Pilipinas ay mayroong MDT sa loob ng mahigit 70 taon.

Nakasaad sa kasunduang ito na sumasang-ayon ang 2 bansa na magkaisa upang magbigay tulong at proteksyon o depensa sa anumang armadong pag-atake.

Sa kabilang banda, may resbak ang Embahada ng China tungkol sa pahayag ng Amerika.

Sa inilabas na statement ng Chinese Embassy, sinabi nitong ang US ay hindi parte sa usapin ng sigalot sa South China Sea at wala sa posisyon na makialam sa mga isyu sa pagitan ng China at Pilipinas.

“The US is not a party to the South China Sea issue and is not in the position of interfering in issues between China and the Philippines,” pahayag ng Chinese Embassy.

Dagdag pa nito, ang tensyon sa South China Sea ay hindi mangyayari kung wala ang US sa Pilipinas.

“The recent tension in the South China Sea would not have occurred without the US egging on the Philippines,” saad pa ng Chinese Embassy.

Sinabi din nito na desidido ang China na itaguyod ang soberanya ng teritoryo nito at mga karapatan at interes sa pandagat.

Ang Mutual Defense Treaty ng Pilipinas at US, ayon sa Chinese Embassy, ay hindi mapapatinag kahit kaunti, ang pasya at panindigan ng China sa naturang usapin.

Samantala, nagkaroon ng bilateral meeting sa Washington si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo sa kanyang counterpart na si Ministry of Foreign Affairs (MOFA) Minister Kamikawa Yoko ng Japan.

Ani Manalo, natalakay nila ang patungkol sa defense at security cooperation.

Napag-usapan ang regional issues gaya ng West Philippine Sea (WPS) partikular ang kamakailang tensyon sa Ayungin Shoal.

Mababatid na sumabak na sa trilateral summit ang Pilipinas, Amerika at Japan sa Washington D.C kung saan ito ang kauna-unahang pagpupulong sa pagitan ng 3 bansa.

Sa isang joint statement, inihayag ng 3 lider ang pagsasagawa ng Presidential Trade and Investment Mission sa Pilipinas at mahigit $1-B na pamumuhunan ng US private sector upang suportahan ang innovation economy at clean energy transition ng Pilipinas.

Nagpahayag din sila ng suporta para sa patuloy na pag-unlad ng Indo-Pacific Economic Framework for Prosperity (IPEF) para isulong ang resilience, sustainability, inclusiveness, economic growth, fairness at competitiveness para sa mga ekonomiya at mas malawak na rehiyon nito.

Samantala, nagkaroon din ng Trilateral Economic Ministers Meeting sa Washington D.C kung saan nakipagpulong si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual sa kanyang counterparts na sina Commerce Secretary Gina Raimondo ng US at Ministry of Economy, Trade and Industry (METI) Minister Ken Saito ng Japan.

Iprinesenta ni Pascual ang 3 pangunahing proyekto kung saan maaaring makilahok ang Japanese at US companies.

Ito ay tulad na lamang ng Subic-Clark-Manila-Batangas Railway system; ang pagpapalawak ng Clark International Airport; at ang Clark National Food Hub.

Ang mga proyektong ito ay idinisenyo upang pasiglahin ang Luzon Economic Corridor.

More in National News

Latest News

To Top