National News
Sen. Imee Marcos, may mensahe ngayong Araw ng Kagitingan
Hindi maaaring makipaglaban ang Pilipinas na walang bitbit na armas.
Ito ang binigyang-diin ni Sen. Imee Marcos ngayong ginugunita ang ika-82 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan.
Paliwanag pa ng senadora, hindi rin nasisiguro ang integridad ng ibat-ibang armas na nasa bansa kung kaya’t hindi naangkop ang astang ipinapakita ng Pilipinas halimbawa sa tensyon sa West Philippine Sea (WPS).
Tugon ito ng senadora batay sa ipinakitang production shortfall ng basic weapons at ammunitions na report ng Commission on Audit (COA) sa kabila ng pagkakaroon ng 420% increased spending sa government arsenal nitong 2023.
Mula dito, sinabi rin ni Sen. Imee na posibleng nagsasayang lang ng pera ang pamahalaan.
Samantala, sinabi ng senadora na nananatiling susi ang maayos na pakikipag-usap para maresolba ang nabuong tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China at para hindi na magresulta pa ng digmaan.