Connect with us

DOH-Calabarzon, nagbabala sa publiko kontra W.I.L.D. diseases matapos ang pananalasa ng Bagyong Paeng

DOH-Calabarzon, nagbabala sa publiko kontra W.I.L.D. diseases matapos ang pananalasa ng Bagyong Paeng

National News

DOH-Calabarzon, nagbabala sa publiko kontra W.I.L.D. diseases matapos ang pananalasa ng Bagyong Paeng

Binalaan ngayon ng Department of Health (DOH)-Calabarzon ang publiko laban sa mga sakit na posibleng lumaganap pagkatapos ng pananalasa ng Bagyong Paeng.

Ang mga ito ay binansagang W.I.L.D. diseases (water-borne and foodborne illnesses, influenza-like illnesses, leptospirosis, and dengue).

Ayon kay DOH-Calabarzon Regional Director Ariel Valencia, asahan ang posibleng pagtaas ng kaso ng mga W.I.L.D. disease dahil sa pagiging basa ng paligid at pagiging marumi ng tubig dulot ng nakalipas na bagyo.

Paliwanag pa nito na laganap sa mga ganitong panahon ang mga waterwater-borne disease tuld ng cholera, leptospirosis, at hepatitis A; at vector-borne diseases gaya ng malaria and dengue.

Kaya’t payo ng opisyal lalo na sa paglaban sa mga lamok na may dalang sakit at water borne diseases ay tiyaking malinis ang sariling katawan at ang paligid at walang mga stagnant na tubig.

Siguruhin ding malinis ang iniinom na tubig.

Panatilihin ding malusog ang pangangatawan sa pamamagitan ng pagkain ng mga masusustansyang pgkain at tamang ehersisyo.

 

 

 

Admar Vilando

More in National News

Latest News

To Top