Connect with us

DOJ, magsasampa ng kaso laban sa lider ng grupong Manibela

DOJ, magsasampa ng kaso laban sa lider ng grupong Manibela

National News

DOJ, magsasampa ng kaso laban sa lider ng grupong Manibela

Aprubado na ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng kasong libel laban sa lider ng transport group na Manibela na si Mario ‘Mar’ Balbuena.

Ito ay batay sa reklamong inihain ni Department of Transportation Secretary Jaime Bautista.

Ani 17 pahinang resolusyon ng DOJ, inirekomenda ni Assistant State Prosecutor Maria Kristhina Paat-Salumbides na masampahan ng kasong libel si Balbuena sa ilalim ng Article 353 ng Revised Penal Code kaugnay sa Section 4(c)(4) ng Republic Act 10175, ang Cybercrime Prevention Act of 2012.

Nag-ugat ang kaso laban kay Balbuena nang akusahan nito si Bautista sa isang panayam sa telebisyon noong October 10, 2023, na nangongolekta ng pera mula kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Teofilio Guadiz.

Kada buwan aniya itong ginagawa para ihatid sa Malakanyang at sa 2 miyembro ng kongreso.

Nai-post din sa Facebook page ng Manibela noong October 11, 2023, ang video ng kaparehong akusasyon laban kay Bautista.

More in National News

Latest News

To Top