Connect with us

Lamig sa Baguio, umabot sa 12.2 degrees celsius nitong Enero 29

Lamig sa Baguio, umabot sa 12.2 degrees celsius nitong Enero 29

Regional

Lamig sa Baguio, umabot sa 12.2 degrees celsius nitong Enero 29

Umabot sa 12.2°C ang air temperature sa Baguio City kahapon, ika-29 ng Enero.

Ang naturang temperatura ay naitala alas-4:50, Linggo ng madaling araw.

Ayon sa PAG-ASA, epekto pa rin ito ng Northeast Monsoon o hanging amihan.

Malamig din ang temperatura noong Linggo sa Basco, Batanes (13.3°C); Calayan, Cagayan (17.2°C); Tanay, Rizal (18.2°C); Tuguegarao City, Cagayan (18.4°C); Aparri, Cagayan (18.8°C); at Abucay, Bataan (19.1°C).

Noong January 18, 1961 naitala sa Baguio ang pinakamalamig na temperatura sa buong bansa sa kasaysayan na Pumatak sa 6.3°C.

Habang 14.5°C naman ang pinakamababang temperatura sa Metro Manila sa kasaysayan na naitala noong January 11, 1914.

Admar Vilando

More in Regional

Latest News

To Top