Connect with us

Waxi’s restaurant sa Davao City, world-class quality pero proudly Pinoy

Waxi's restaurant sa Davao City, world-class quality pero proudly Pinoy

Regional

Waxi’s restaurant sa Davao City, world-class quality pero proudly Pinoy

Hanap niyo ba ay Pinoy restaurant na world-class ang quality?

‘Yung tatak Pinoy na talaga namang sarap na atin ‘to?

Araw ng Miyerkules, ika-24 ng Abril, ng magbukas ang restaurant na Waxi’s na matatagpuan mismo sa tabi ng Davao International Airport.

Mula sa mga burger at fries hanggang sa iba pa nitong food offerings, talaga namang proudly Pinoy ang Waxi’s.

“Pasalamat tayo nabigyan tayo ng chance. This is a new beginning for our own local products, our very own products natin dito locally supplied,” ayon kay President, SND Foods International, Eleanor Cardona.

Para sa dating opisyal ng Malacañang na talaga namang takam na takam sa mga produkto ng Waxi’s, malaking bagay ang pagiging Filipino-owned ng nasabing restaurant.

“Maganda iyan kasi magandang kakompetensiya para bumaba ‘yung presyo kasi pag walang kakompetensiya mataas ang presyo eh. So mabuti ‘yung mga Pilipino may sarili para ‘yun ang i-patronize natin,” ayon naman kay dating Presidential Legal Counsel, Atty. Salvado Panelo.

Dahil sa pagbubukas din ng Waxi’s, maraming Dabawenyo ang nabigyan din ng pagkakataon na makapagtrabaho.

“Nagpasalamat tayo na nakatulong tayo sa community. Nakapag-hire tayo and in fact may mga estudyante tayo. Nakatulong din talaga sa kanila, sa pag-aaral nila. And sa community, may pamilya din. So, nagkakaroon sila ng trabaho,” saad pa ni Eleanor Cardona.

Para sa isang working student na si Patrick, isang malaking ginhawa para sa kaniya ang pagbubukas ng Waxi’s.

Nabigyan aniya kasi siya ng pagkakataon na makapagtrabaho dahilan para hindi na siya umaasa sa kaniyang mga magulang.

“Malaking tulong po bilang working student dahil dito ko po kinukuha ang financial support ko, especially sa pag-aaral ko at sa other expenses, mga binibili sa buhay,” saad ni Bern Patrick Bangkal, empleyado ng Waxi’s.

Ang kinikita naman ng ina na si Analyn bilang empleyado ng Waxi’s ay nagagamit niya pangtustos sa pangangailangan ng kaniyang apat na anak katuwang ang kaniyang asawa na isang security guard.

“Ginagamit nako siya pang-allowance sa kong mga estudyante po. Parehas karon sir nga lisod kaayo ang panahon. Bahalag ginagmay basta naay gasulod kaysa wala jud kay paaboton sir. Dako kaayo ning tabang sir. Kay kung wala koy ingani nga trabaho, asa pud ko mangita?” saad naman ni Analyn Tuquib, empleyado ng Waxi’s.

“Ginagamit ko yung kinikita ko para sa allowance ng mga anak kong estudyante. Katulad ngayon na mahirap ang panahon. Bahala na kaunti basta mayorng pumapasok [na pera] kaysa wala kang hinihintay. Napakalaking tulong nito. Dahil kung wala ang trabahong ito, saan ako hahanap?”

Pinuri ng lokal na pamahalaan ng Davao City ang pamunuan ng Waxi’s dahil napili nitong magbukas sa lungsod na anila ay malaking tulong sa lokal na ekonomiya.

“Kailangan natin ng mga ganitong negosyo sa Davao. Aside nga na Pilipino ang may-ari at panglasang Pinoy na matitikman natin dito sa Waxi’s, nakakatulong ito sa economy because we need more of this in the city of Davao. Especially that we are inviting investors, we’re inviting people to invest in Davao City because the city is very friendly to businesses. So napakalaking bagay nito sa mga Dabawenyo ang itong Waxi’s,” pahayag ni 1st District, Davao City, Councilor Tek Ocampo.

“Number one is employment. ‘Yung mga walang trabaho, nabibigyan nila dito sa Davao City which is main concern din dito sa Davao City is employment. So sana marami pang branch i-open ang Waxi’s dahil gusto ko sabihin sa lahat masarap talaga,” pahayag naman ni 1st District, Davao City, Councilor Bonz Militar.

Maliban sa ekonomiya, naitataas din ng Waxi’s ayon sa Davao LGU ang tourism experience sa lungsod lalo’t malapit ito sa Davao International Airport.

Bagay na swak na swak para sa mga lokal at dayuhang turista na naghahanap ng mga pagkaing pang-International pero proudly Pinoy.

“Sobrang advantage at tsaka laging Davao siya na restaurant, dagdag attraction siya sa atin sa Davao. At very proud kami na may ganitong food chain na proudly Davao. At tsaka ‘yung lasa competitive,” ayon kay Kagawad, Barangay Sasa, Mark Bangalao.

“Nakakatulong ito sa ekonomiya sa siyudad ng Davao at the same time sa ating mga turista kasi pagpunta nila dito sa Davao, “Oi! Mayroon palang ganitong restaurant dito na malapit lang sa airport and masarap? Matikman nga. We encourage vloggers from all over the world no and come to Davao. Pag pumunta kayo ng Davao, daan muna kayo dito malapit lang naman ito sa airport. I-try niyo. Try it for yourself,” dagdag pa ni Councilor Tek Ocampo.

Continue Reading
You may also like...

More in Regional

Latest News

To Top