Connect with us

Probinsya ng South Cotabato, isinailalim sa state of calamity dahil sa El Niño

Probinsya ng South Cotabato, isinailalim sa state of calamity dahil sa El Niño

Regional

Probinsya ng South Cotabato, isinailalim sa state of calamity dahil sa El Niño

Isinailalim na sa state of calamity ang buong lalawigan ng South Cotabato dahil sa epekto ng tumitinding init ng panahon na dulot ng El Niño.

Matatandaan na matinding tinamaan ng tagtuyot sa lalawigan ang mga bayan ng Banga, Norala, Surallah, Tantangan, at Tboli.

Una nang iniulat ng South Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council Office, tinatayang nasa mahigit P200-M halaga ng tanim, hayupan at imprastruktura ang nasira.

Mula sa naturang bilang, P71-M dito ang pinsala sa agrikultura.

Ang South Cotabato ang ikaanim na probinsya na nagdeklara ng state of calamity dahil sa matinding epekto ng El Niño.

Ang mga naunang lalawigan ay ang Antique, Sultan Kudarat, Basilan at Maguindanao del Sur.

Mahigit sa 100 munisipalidad at lungsod naman ang nagdeklara na rin ng state of calamity.

Kapag nagdeklara ng state of calamity ang isang lugar, mabibigyan sila ng awtorisasyon na magamit ang kanilang pondo para sa kalamidad.

 

More in Regional

Latest News

To Top