Connect with us

P281-M, ipinangako ng Japan para sa Farm-to-School Feeding project sa BARMM

P281-M, ipinangako ng Japan para sa Farm-to-School Feeding project sa BARMM

National News

P281-M, ipinangako ng Japan para sa Farm-to-School Feeding project sa BARMM

Nangako ang Japan ng P281-M na halaga ng suporta para sa ipatutupad na Farm-to-School Feeding project sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa ilalim ng Farm-to-School Meals project ng United Nations World Food Programme (WFP) na susuportahan ng Japan, bibigyan ng masustansyang pagkain ang mga mag-aaral sa primary school katuwang ang mga mangingisda at magsasaka sa lugar.

Tinatayang nasa 35-K ang makakabenepisyo nito.

Para kay Japanese Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko, target nilang mabigyan ng tamang nutrisyon ang mga batang mag-aaral sa BARMM kasabay ang pagbibigay tulong rin sa lokal na agri sector.

Ang Pilipinas ang kauna-unahang Asian country na kasali sa School Meals Coalition, isang proyekto na naglalayong suportahan ang ibat-ibang pamahalaan tungo sa pagpapaunlad ng kalidad ng pagkain ng mga kabataang mag-aaral.

More in National News

Latest News

To Top