Connect with us

Bagong tanggapan na may layong palakasin ang anti-red tape sa bansa, binuo

Lumikha ng bagong opisina si Pangulong Rodrigo Duterte na may mandatong pabilisin ang pag-proseso at pagbabawas sa red tape.

National News

Bagong tanggapan na may layong palakasin ang anti-red tape sa bansa, binuo

Lumikha ng bagong opisina si Pangulong Rodrigo Duterte na may mandatong pabilisin ang pag-proseso at pagbabawas sa red tape.

Ito ay sa ilalim ng Executive Order No. 129 kung saan binuo ang Office of the Presidential Adviser on Streamlining of Government Processes (OPASGP).

Layon ng naturang kautusan na ayusin ang paghahatid ng serbisyo sa mamamayang Pilipino.

Nakasaad din sa kautusang ito ng pangulo ang mga rekomendasyon na patawan ng parusa ang sinumang empleyado o opisyal ng pamahalaan na mapatutunayang sangkot sa gawaing katiwalian at korupsyon.

Pamumunuan naman ang tanggapang Presidential Adviser on Streamlining of Government Processes (PASGP) ng may ranggo at sahod na kaparehas ng isang Cabinet Secretary.

Kabilang naman sa kapangayarihan at katungkulan ng bagong tanggapan ay ang mga sumusunod:

1. Magbigay ng rekomendasyon sa pangulo o sa Anti-Red Tape Authority (ARTA); evidence-based policies, programs, measures at strategies na magiging daan upang gawing simple ang proseso at wakasan ang red tape sa sangay ng ehekutibo at mga lokal na pamahalaan.

2. Suriin ang mga umiiral na sistema sa gobyerno, mechanisms, at proseso na magpo-promote sa predictable business environment, pati na ang pagbabawas sa uncertainty ng mga transakston sa gobyerno.

3. Katuwang naman ang ARTA, ang naturang baging opisina ay magsasagawa ng epektibong mekanismo upang aksyunan ang special, strategic at immediate concerns o mga direktiba ng Punong ehekutibo na nangangailangan ng agarang pag-aksyon mula sa mga relevant government departments, ahensya at mga opisina, LGUs at government-owned corporations.

4. Magbigay ng policy guidance at aksyunan ang lahat ng policy concerns.

5. Magbigay ng rekomendasyon sa Pangulo sa pagpapatupad o karampatang parusa laban sa pasaway na government officials.

6. Gampanin din ng opisina na Magrekomenda sa ARTA at iba pang ahensya ng pamahalaan na mag-imbestiga at aksyunan sakali mang may non-compliance ng sinumang opisyal o kawani ng pamahalaan.

Kukunin naman ang operation funds ng bagong tanggapan na OPASGP mula sa existing budget ng Office of the President.

More in National News

Latest News

To Top