Connect with us

Pangangaroling ngayong Christmas season, iwasan muna – DOH

Inabisuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na iwasan muna ang pangangaroling sa kalagitnaan ng holiday o Christmas season

National News

Pangangaroling ngayong Christmas season, iwasan muna – DOH

Inabisuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na iwasan muna ang pangangaroling sa kalagitnaan ng holiday o Christmas season dahil ayon sa ahensya, ang pagkanta ay maaaring mapataas ang peligro ng COVID-19 transmission.

Nakatakda pa lang talakayin ng Inter-Agency Task Force ang proposal ban sa tradisyonal na street caroling sa mga lansangan upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Bagaman, nakatakda pa lang pagdesisyunan ng pamahalaan kung ipagbabawal o papayagan ang pangangarolin.

Sinabi naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang malakas na pinapataas ng pagkanta ang posibilidad ng COVID-19 transmission ayon sa isang pag-aaral.

Noong nakaraang linggo nang ilabas ng DOH ang guidelines sa selebrasyon ng holiday kung saan pinapayagan nito ang limited at shortened face-to-face activities.

Ipinagbabawal naman ng kagawaran ang pagpunta sa mga lugar na may mas mataas na quarantine classifications at buffet-style food service sa mga gagawing pagtitipon.

More in National News

Latest News

To Top