Connect with us

“No permit, no rally”, ipatutupad na sa Maynila

"No permit, no rally", ipatutupad na sa Maynila

National News

“No permit, no rally”, ipatutupad na sa Maynila

Kailangan na ngayong kumuha ng permit sa Manila City Government ang mga nais magsagawa ng rally at iba pang mass gatherings sa lungsod.

Sa memorandum, ipinag-utos ni outgoing Manila Mayor Isko Moreno sa mga barangay chief at police commander na mahigpit na ipatupad ang batas sa lungsod.

Binago ni Moreno ang dati niyang kautusan na hindi na kailangan ng permit para sa campaign rally sa panahon ng campaign period kasunod ng rally sa main office ng COMELEC sa Intramuros noong Martes, ika-10 ng Mayo.

Daan-daang katao na karamihan ay mga aktibista at miyembro ng youth groups ang lumahok sa rally na kumukwestyon sa resulta ng halalan at tutol sa pagkapanalo ni presumptive President Bongbong Marcos.

Sinabi ni Moreno na kailangan na ng lungsod na mag-move on matapos ang election fever.

More in National News

Latest News

To Top