Connect with us

P4-B pondo, inilaan para sa fuel assistance sa mga magsasaka at transport workers

P4-B pondo, inilaan para sa fuel assistance sa mga magsasaka at transport workers

National News

P4-B pondo, inilaan para sa fuel assistance sa mga magsasaka at transport workers

Naglaan ang Marcos administration ng kabuuang P4 bilyon para sa fuel assistance sa mga magsasaka at transport workers.

Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman, naka-charge ang naturang funds laban sa regular na budget ng Department of Transportation (DOTr) at ng Department of Agriculture (DA) sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act (GAA).

Ang hakbang aniya ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Batid ni Pangandaman ang hirap na dulot ng pandemya at naiintindihan aniya nito na maraming naapektuhang mga tsuper, magsasaka at mga mangingisda.

May kabuuang P3 bilyon ang inilalaan sa 2023 national budget sa pamamagitan ng fuel voucher para sa qualified public utility vehicles (PUV), taxis, tricycles, at full-time ride-hailing at delivery services drivers sa buong bansa.

Ang naturang halaga ng pondo ay mas mataas ng P500 milyon kumpara sa P2.5 bilyon sa fuel subsidy program ng 2022 budget.

Ang mga benepisyaryo naman ay iva-validate at tutukuyin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Samantala, ang halagang P1.0 bilyon ay inilalaan para sa fuel assistance sa mga magsasaka at mangingisda.

Mahigit 312,000 magsasaka at mangingisda ang makikinabang sa fuel subsidy.

P3,000 ang matatanggap ng bawat benepisyaryo para matiyak na walang magiging sagabal sa produksyon ng agrikultura at mga operasyon ng pangingisda.

More in National News

Latest News

To Top