Connect with us

Pagbalangkas ng SOP para sa pagsasama ng mga gamot sa mga relief package, iniutos ni PBBM

Pagbalangkas ng SOP para sa pagsasama ng mga gamot sa mga relief package, iniutos ni PBBM

National News

Pagbalangkas ng SOP para sa pagsasama ng mga gamot sa mga relief package, iniutos ni PBBM

Ipinag-utos din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbalangkas ng Standard Operating Procedure (SOP) para sa pagsasama ng mga gamot sa mga relief package sa oras ng kalamidad at emergencies.

Ibinahagi ng punong ehekutibo na ilang araw pagkatapos ng isang kalamidad, ang mga apektadong indibidwal ay naghahanap na ng mga over-the-counter na gamot tulad ng paracetamol at anti-diarrhea medicines.

Sa ngayon, iniutos ni PBBM kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na mauna nang magpadala ng non-prescribed medicines sa mga sinalanta ng bagyong Paeng.

Saad pa ng chief executive, makikipagtulungan din ang pamahalaan sa military doctors at medical workers para mabilis ang pamimigay ng gamot.

Samantala, ani Marcos,  makikipag-ugnayan din ito sa malalaking drug companies para makabili ng murang gamot sa mga biktima ng nagdaang bagyo.

More in National News

Latest News

To Top