Connect with us

Philippine Salt Industry Development Act, nilagdaan na ni PBBM

Philippine Salt Industry Development Act, nilagdaan na ni PBBM

National News

Philippine Salt Industry Development Act, nilagdaan na ni PBBM

Upang palakasin at pasiglahin ang industriya ng asin sa Pilipinas, ay pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang batas ang “Philippine Salt Industry Development Act.”

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), bilang bahagi rin ito ng pagsisikap ng administrasyon na isulong ang pag-unlad sa kanayunan at dagdagan ang rural income.

Ang 23-pahinang batas na nilagdaan noong Marso 11 ay nagsasaad na ang naaangkop na teknolohiya at pananaliksik, at sapat na pinansyal, produksyon, marketing at iba pang support services ay ipagkakaloob sa salt farmers.

Ito ay upang muling pasiglahin ang industriya ng asin, matamo ang mas mataas na produksyon, makamit ang salt-sufficiency at maging isang susunod na exporter ng asin.

Isang Philippine Salt Industry Development Roadmap ang bubuuin at itatatag upang matiyak ang pagkamit ng mga layunin ng batas, na naaayon sa mga layunin at patuloy na implementasyon ng Republic Act No. 8172, o “An Act for Salt Iodization Nationwide (ASIN).

Bubuo rin ng isang “Salt Council” upang matiyak ang nagkakaisa at pinagsama-samang implementasyon ng salt roadmap.

Nilalayon din nito na mapabilis ang modernisasyon at industriyalisasyon ng industriya ng asin sa Pilipinas na pinamumunuan ng Department of Agriculture (DA).

Ang kalihim ng Department of Trade and Industry (DTI) ay magsisilbing vice-chairperson ng Salt Council.

Habang ang mga kinatawan mula sa mga kooperatiba ay pipiliin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) mula sa 5 nominado mula sa Luzon, 3 mula sa Visayas at Mindanao.

Ang isang kumpletong kopya ng batas ay inilathala sa Official Gazette kung saan tinutukoy ang mga tungkulin ng Salt Council.

Kasama rin ang paglikha ng isang Program Management Office (PMO).

Magkakabisa ang batas 15 araw pagkatapos nitong ganap na mailathala sa Official Gazette, o sa 2 pahayagan ng pangkalahatang sirkulasyon.

More in National News

Latest News

To Top