Connect with us

People’ s champ Manny Pacquiao, kinasuhan dahil sa paglabag ng kanyang kontrata

Umaasa si Senador Christopher Bong Go na magkakaayos din sina Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Manny Pacquiao.

National News

People’ s champ Manny Pacquiao, kinasuhan dahil sa paglabag ng kanyang kontrata

Sinampahan ng kaso si  Filipino boxing champion Manny Pacquiao dahil sa breach of contract o paglabag diumano ng boksingero sa  pinirmahan nitong kontrata.

Isinampa ng Paradigm Sports Management  ang kaso laban sa eight-division world champion matapos itong pumayag na makalaban si WBC at IBF Welterweight Champion Errol Spence sa Agosto.

Matatandaan na noong Pebrero ng magsanib pwersa si Pacquiao at ang Paradigm Sports  para sa isang four fight deal kasama ang DAZN.

Sinabi ni Paradigm Sports Management Audie Attar na pinaplantsa na niya ang laban ni Pacquiao kay American Welterweight Champ Mikey Garcia pero sa anunsyo ng senador ay si Spence ang makakalaban nito.

Sinabi naman ni Paradigm lawyer Atty. Judd Burstein na daranas ng ilang milyong dolyar na pagkalugi ang ginawa ng kampo ni Pacquiao.

Samantala, iginiit naman ni Sen. Manny Pacquiao na walang merito ang kasong isinampa sa kaniya ng Paradigm Sports.

Nilinaw din ni Pacquiao na may karapatan siyang makipaglaban kay Spence sa ilalim ng kasunduan niya sa Paradigm.

Sakali aniyang magtutuloy-tuloy ang paghahabla kay Pacquiao  ay handa aniya ang huli na ilaban ito sa korte.

 

More in National News

Latest News

To Top