Connect with us

Grace Poe: 9-dash line claim, wala sa pelikulang ‘Barbie’

Grace Poe: 9-dash line claim, wala sa pelikulang ‘Barbie’

National News

Grace Poe: 9-dash line claim, wala sa pelikulang ‘Barbie’

May komento ang isang dating opisyal ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa isang Hollywood film na banned sa isang bansa sa Asya.

“Pero yung ni-review ko yung litrato, ito yun eh no, parang drawing ng bata. Kung nakita ninyo yan,” ayon kay Chairman, Senate Committee on Public Services, Sen. Grace Poe.

Ang litratong iyon ay kuha sa eksena ng Hollywood film na ‘Barbie.’

Banned sa Vietnam ang nasabing pelikula dahil may depiction raw ito sa South China Sea.

Lalo na ang claim ng China sa 9-Dash line.

Ngayong isa ang Pilipinas sa claimants sa pinag-aagawang teritoryo, dapat rin bang i-ban ang pelikula sa bansa?

“Ni hindi nga nakalagay yung pangalan ng Pilipinas diyan eh. Indonesia, Malaysia or Vietnam wala naman dito ni China wala. Diba fiction nga?” dagdag pa nito.

Galing sa MTRCB ang litratong hawak ni Poe.

At ayon sa MTRCB, hindi nila iba-ban ang nasabing pelikula.

“So ang mga dashlines diyan kapag binilang mo, hindi 9 nasa 20. Dahil yan ay lakbay ni Barbie yung mga dash na yun,” ani Sen. Grace Poe.

Ang kaniyang kapwa senador na si Francis Tolentino, hinimok ang MTRCB na i-ban ang nasabing pelikula.

Ang dahilan, nagpo-promote daw ito ng gulo sa mga bansang claimants sa West Philippine Sea (WPS).

Pero wala rawng basehan para gawin ito ng board.

Sa halip, binigyan ng PG-13 rating ang pelikula o kailangan ng Parental Guidance (PG) ang mga manood edad 13 anyos pababa.

“So siguro bago tayo magbigay ng statements, kailangan natin… Kaya nga diba we have to review the material in its enterity,” sa pahayag pa nito.

Naiintindihan naman ni Poe, na ngayon ay chairman ng Senate Committee on Public Services ang bugso nating mga Pilipino sa isyu ng agawan sa teritoryo.

“This is a geopolitical issue, so other producers be very mindful of that kasi meron nga tayong arbitral ruling in our favor,” Dagdag pa nito.

2 pelikula na ang binan ng MTRCB sa bansa sa isyu ng 9-dash line.

Pinareview naman ng MTCRB sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang latest na pelikula.

Iginiit naman ng isang Chinese official na hindi dapat iugnay ng Vietnam sa South China Sea issue ang isang normal cultural exchange gaya ng sa mga pelikula.

More in National News

Latest News

To Top