Connect with us

Magsasaka at mangingisda, tinawag ni Pang. Marcos na dakilang bayani ng bansa

Tinawag ni PBBM ang mga magsasaka, mangingisda, livestock farmers at breeders, na dakilang bayani ng bansa.

National News

Magsasaka at mangingisda, tinawag ni Pang. Marcos na dakilang bayani ng bansa

Tinawag ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. ang mga magsasaka, mangingisda, livestock farmers at breeders, na dakilang bayani ng bansa.

Ito ang naging pagkilala ng punong ehekutibo sa naturang sektor kasabay ng pagbubukas ng Agrilink/Foodlink/ Aqualink exhibit 2022 nitong umaga ng huwebes.

Sa isang mensahe, sinabi ni PBBM na dahil sa mga ito, patuloy na mayroong pagkain sa hapagkainan ang bawat pamilya.

Kaya mahalaga ani Marcos na mapapanatili ang katatagan ng food security sa bansa.

Napapanahon din ayon sa chief executive, ang naturang event lalo sa sitwasyon ngayon pagdating sa suplay at presyo ng pagkain at magandang unang hakbang aniya ito tungo sa magandang pandaigdigang ekonomiya.

Kasama ni PBBM sa naturang exhibit sina Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban at Senate Committee on Agriculture Chairman Senator Cynthia Villar, na ginanap sa World Trade Center sa Pasay City.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top