Connect with us

194 infra projects sa ilalim ng Build Better More, ibinida ni PBBM sa kanyang 2nd SONA

194 infra projects sa ilalim ng Build Better More, ibinida ni PBBM sa kanyang 2nd SONA

National News

194 infra projects sa ilalim ng Build Better More, ibinida ni PBBM sa kanyang 2nd SONA

Ibinida ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang PHP8.3-T na ‘Build Better More’ program ng kanyang administrasyon.

Ginawa ni Pangulong Marcos Jr. ang pahayag sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa sa Quezon City nitong Lunes, July 24.

Binanggit din ng punong ehekutibo na makikinabang ang buong bansa sa 194 na proyekto sa ilalim ng programang ito.

Mula sa naturang bilang, ani Marcos, 123 na proyekto ay bago.

“Hindi lamang natin ipinag-papatuloy ang mga nasimulan nang mga proyekto. Lalo pa nating pina-palawak. Kaya naman, ang isangdaan at dalawampu’t tatlong proyekto dito sa Build-Better-More program ay bago,” ayon kay Pres. Ferdinand Marcos, Jr.

Ang mga pangunahing proyekto ay sumasaklaw sa mga pamumuhunan sa hanay ng physical connectivity, water resources, agriculture, health, digital connectivity, at energy.

Kaugnay dito, Isasagawa ng pamahalaan ang 1,200-kilometrong Luzon Spine Expressway Network Program upang epektibong iugnay at bawasan ang oras ng paglalakbay sa pagitan ng mga rehiyon ng Ilocos at Bicol.

Sinabi ni Pangulong Marcos na ang pagbubukas ng lahat ng mga gateway ay magpapakilos ng mga produkto at serbisyo nang mas mabilis at sa mas murang halaga.

Layunin aniya ng naturang hakbang na isulong ang ekonomiya dahil susi sa patuloy na paglago ng ekonomiya ay ang pag-unlad ng imprastraktura.

“Our road network plans must link not only our three major islands, but all prospective sites of economic development,”

“The 1,200-kilometer Luzon Spine Expressway Network Program will effectively connect Ilocos to Bicol from 20 hours to just nine hours of travel,” dagdag pa nito.

Iniulat ng pangulo na sa tala nitong Hunyo ng taong kasalukuyan, ang pamahalaan ay nakapagtayo, nakapag-maintain, at nakapag-upgrade ng higit sa 4-K kilometro ng mga kalsada at humigit-kumulang 500 tulay sa buong bansa.

Sa ilalim naman ng Mega-Bridge Program, 12 tulay na may kabuuang 90 kilometro ang gagawin, na magdurugtong sa mga isla at mga lugar na pinaghihiwalay ng tubig.

Kasama sa naturang programa ang Bataan-Cavite Interlink Bridge at Panay-Guimaras-Negros Island Bridges kung saan bawat isa ay sumasaklaw ng 32 kilometro, at kasama rin ang Samal Island-Davao City Connector Bridge.

Saad pa ng pangulo, pinasimulan din ng administrasyon ang ilang mga proyekto sa riles, na may kabuuang haba na higit sa 1-K kilometro kung saan puspusan ang southern leg ng North-South Commuter Railway System.

Ito ay magpapaikli sa biyahe mula Pampanga – Laguna mula 4 na oras ay magiging 2 oras na lamang.

Samantala, inihayag ni Pangulong Marcos Jr. na ng bagong tatag na Maharlika Investment Fund (MIF) ay gagamitin upang tustusan ang high-priority infrastructure projects na walang utang.

Ang MIF ay ang kauna-unahang sovereign wealth fund ng bansa na idinisenyo upang i-infuse ang pag-unlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapakilos ng mga financial asset ng gobyerno.

“For strategic financing, some of the nation’s high-priority projects can now look to the newly established Maharlika Investment Fund, without the added debt burden,”

“The Maharlika Fund shall be used to make high-impact and profitable investments, such as the Build Better More program,” saad pa ng pangulo.

Nauna nang sinabi ng Department of Finance (DOF) na maaaring tingnan ng MIF ang malalaking imprastraktura tulad ng green & blue projects, pag-unlad sa kanayunan, at iba pang mga proyektong nagbibigay ng trabaho.

Kabilang sa mga ito ang public road networks, tollways, green energy, water, agro-industrial ventures, at telecommunications.

Samantala, pinuri naman ng Filipino-Chinese business community ang naging laman ng ikalawaang SONA ni Pangulong Marcos lalo na sa hanay ng imprastraktura.

Sinabi ni Cecilio Pedro, presidente ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc (FFCCCII), na ang mga nabanggit ng pangulo ay isang positibong hakbang sa hinaharap.

Itoy lalo’t may inilatag pa ang pangulo na additional measures na isusulong ng kanyang administrasyon.

Muli namang tiniyak ni Pedro na laging nakasuporta ang Filipino Chinese community sa mga iniimplementang proyekto ng administrasyong Marcos.

Kasabay nito, umaasa si Pedro na mapaigting pa ang implementasyoon ng mga proyekto at lahat ay magtulungan din upang mapaunlad pa lalo ang bansa.

More in National News

Latest News

To Top