Connect with us

63 Pinoy sa Haiti, inaasahang pauuwiin ng pamahalaan dahil sa kaguluhan

63 Pinoy sa Haiti, inaasahang pauuwiin ng pamahalaan dahil sa kaguluhan

National News

63 Pinoy sa Haiti, inaasahang pauuwiin ng pamahalaan dahil sa kaguluhan

Dahil sa banta sa seguridad dulot ng marahas na aktibidad ng isang gang, inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang pag-uwi ng nasa 63 Pinoy sa Haite dahil sa patuloy na kaguluhan sa bansang Caribbean.

Ito’y matapos aprubahan ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo ang rekomendasyon sa pagde-deklara ng Alert Level 3 o’ ang voluntary repatriation sa mga Pinoy sa Haiti.

Ang mga nasabing ahensya ay naghahanap na rin ng charter flight para sa 63 Pinoy dahil walang flight ang pinapayagang lumabas sa Haiti at ang land travel sa kabisera ng Port-Au-Prince ay hindi rin pinapayagan dahil sa matinding gang activities.

Ayon sa DMW sa kasalukuyan ay may 115 Filipino ang nasa Caribbean island-nation.

Samantala, wala pa namang naiulat na Pinoy sa Haiti ang nasawi o nasugatan sa kabila ng security crisis sa nasabing bansa.

More in National News

Latest News

To Top